Nasaan ka?

Nakarinig ng isang putok mula sa kaibituran ng utak. Tanging balabal ng tunog ay ang isang tanong, “saan patungo ang lahat ng ‘to?” Inalisa ang sarili, lumingon sa likuran na tila’y isang anino ang naglalaro. Marahil namamalik mata lamang, nagpatuloy sa paglalakad. Hindi inisip ang makipot na daraanan, kada segundo’y ninanais bilisan ang yapak. Mga sapatos ay bago mula sa uwi ng Itay mula Qatar, makinis at kahoy ang kailaliman nito. Sa bawat pag-apak, tunog ng kahoy ang naririnig, kasabay ng talampisaw ng tubig. Marahil naglaro na naman ang mga batang yagit, dalawang napigtas na mga tsinelas ang nakalutang sa batsang napuno ng tubig na kulay kalawang. Patuloy binagtas ang eskinitang malagsak at maalinsangan ang pakiramdam. Mga kabahayan ay tila nahihimbing na sa dalang kadiliman ng buwan, huminto at bumunot sa bulsa ng sigarilyong ipinatabi ng katoto mula sa kaarawang pinuntahan. Napaisip, napasalita, “punyeta, wala pala akong panindi”, kaso biglang pumasok isipan, sa susunod na kalsada madadaanan ang tindahang di natutulog. Panandaliang ngiti ang bumalot sa mukha at nagpatuloy sa paglakad tungo sa nag-iisang ilaw sa kalsada ng Maceda.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s