Maceda

Isang mahabang kalye na matatagpuan sa distrito ng Kamias. Mga bahay ay nagmistulang mga palamuti dahil sa mga iba’t ibang disenyo. Mga yari sa mga de kalidad na mga sementong tila’y galing sa mga lalawigang nag-aangkat sa mga karatig bansa. Matataas ang mga bakod na pawang may mga itinatago sa loob, at may mga kamerang nagmamasid sa labas. Tanging mga numero ng mga kabahayan ang nakapaskil sa mga gate, iba iba ang pagkakasulat nito. Ang mga pagkakapinta’y nananatiling sariwa sa mga mata kahit na ba’y dekada na ang nakakalipas.
May mga maliliit na damuhan ang mga bahay sa Maceda. Ang ilan ay may mga halamang marikit sa mga mata ng ninumang daraan dito. Nasabi nga ng ilan na tuwing kapaskuhan, ang mga halama’y nagpapakutitap sa gabi. May mga dumarayo mula sa mga ibang lugar upang kumuha ng mga litrato. Hindi alintana na mga marangya sa pamumuhay ang mga naninirahan sa mga kabahayan dito. Tanging mga hardinero ang mababatid sa umaga, inaalagaan ang mga damo’t halaman upang mapanitili ang mga hugis at sariwang kulay nito. Sila rin ang tanging nakakapasok sa mga matayog na mga bakuran na tila’y binabantayan ng mga guwardiyang sa loob nagbabantay.
Sa kanto ng Maceda, isang bahay ang nagsisilbing “itim na tupa” dahil ito ang tanging bahay na naiiba sa lahat. Ang bakuran ay mababa at mayroong isang maliit na istrakturang nakakabit sa gate na patuloy na kinakain ng kalawang. Ang istraktura ay yari sa kahoy na pawa isang bahagi ng bahay na mayroong bintanang iniaangat sa tulong ng mahaba at matabang kahoy. May mga nakasabit na mga plastik na kinapapalooban ng mga tsitsirya at mga garapong may kendi. May mga kape’t shampoo na nakasabit ang makikita sa loob nito. Sa inangat na bahagi ng bintana na may mahabang kahoy na nakasuporta, ay isang ilaw na konektado sa loob na nagbibigay liwanag sa tuwing sumasapit ang dilim. Ang ilaw na tanging tumatanglaw sa malalim na gabi.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s