Ernesto

Sa bayan ng San Jose, isang mag-anak ang tanyag na tinaguriang makapangyarihan sa nakararami ang mga De Dios. Bukambibig ng mga matatanda na sila’y nanggaling sa mga kastilang nanakop ng bansa mahigit na tatlong daang taon na ang nakakalipas. Sila’y nagmamay-ari ng mga lupa na ‘sing tumbas ng isang lalawigan. Ang mga natatanging pangalang: Remedios at Marcelo ang sambit ng mga naninirahan sa bayan dahil sila ang mas nanaig sa mga isip ng mga tao noong kasagsagan ng rebolusyon. Sila’y umakibat sa pagtanggol ng mga taong-bayan noong nagtangkang manakop ang mga Hapon, higit animnapu’t taon na ang lumipas. Kanilang mga supling na pinangalanan mula sa tatlong hari ang naging bunga ng rebolusyon mga ngalan ay Baltazar, Gaspar, at Melchor.

Pinaniniwalaan ng mga taong-bayan na ang pagkawagi ng kanilang bayan ay dahil sa mga anak ng mag-asawa na sugo marahil ng Diyos. Noong ipinanganak si Baltazar, naipanalo ng brigada ni Marcelo ang unang hanay laban sa mga Hapon. Nang si Gaspar naman ang naipanganak, hindi natuloy ang maitim na balak ng pamilyang Dela Cruz na tila kumampi sa mga Hapon laban sa mga De Dios na mula sa bayan ng San Sebastian. At noong si Melchor ang naisilang, naging masagana ang mga ani palayan ng mga magsasaka upang mapakain ang mga hukbong sandatahang laban sa mga Hapon.

Lumipas ang isang dekada at nakamit ng mga mamamayan ng San Jose ang tinatamasang katahimikan. Sa hacienda ng mga De Dios, nagtipon ang mga taong-bayan upang ipagpunyagi ang mag-anak na inialay ang kanilang mga buhay para sa kasarinlan ng bayan. May mga pagkaing inihain ay mula sa mga taong gustong magbigay pugay sa mag-anak. Nagkalat ang mga tao sa di-masukat na hektarya ng mag-anak, bitbit ang kani-kanilang mga pamilya. Naghain ng mga tuba ang mga De Dios na ikinatuwa ng mga hukbong laban sa mga Hapon na ipinadala ng gobyerno sa bayan. Halakhak at tawa ang sambid sa gabing tila baga’y walang katapusan.

“Masaya ako, Remedios”, sambit ni Marcelo sa kanyang kasi. “Nawa’y hindi nila mapansin na nawawala ang aking kapatid na tumayong heneral noong ika’y nagbubuntis sa’ting panganay”, dugtong ni Marcelo. Maipipinta sa mukha ni Marcelo ang kaba’t pag-aalala. “Malabong mangyari na sila’y magtaka, unang-una hawak mo na sa leeg si Heneral Diokno, aking sinta”, sagot ni Remedios. Ang pag-uusap ng mag-asawa ay nagaganap nang sila’y nakatayo at nagmamasid sa mga taong-bayan mula sa kanilang veranda. Binalot ng katahimikan si Marcelo sa narinig niya sa kanyang may-bahay. “Paano na ang kanyang anak, mahal ko?”, tanong ni Marcelo. “Isinakay na ni Berto sa karwahe tungong bayan ng Santo Tomas ang bata”, sagot ni Remedios. Naudlot ang usapang nababalot ng tanong nang si Graciano ay dumating “Don Marcelo”, batid nito. “Ang telegrama ay handa na para ipadala sa pamilya Dela Cruz.” Tumungo si Don Marcelo at kumaripas papaalis si Graciano. Napabuntung-hininga siya at inabot ang baso mula sa estante ng veranda. “Ano nga pala ang ngalan ng batang ‘yon, mahal?”, tanong ni Don Marcelo kay Remedios. “Ernesto.”, ang bulong nito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s