Graciano

“Hindi ka pa ba mahihiga, Graciano?“, tanong ni Purisima. “Magdamag ka ng nakatitig sa telegramang ‘yan. Malalim na ang gabi. Bukas na ang pagdiriwang kina Don Marcelo.”, dugtong nito. Nakatayo’t hawak ni Graciano ang telegrama na isang papel na may nakasaad na: “G. Dela Cruz“. Siya’y nakasandal sa bintana ng kanilang munting kwarto ni Purisima, […]

Gardo

Nakatitig sa kisame, tanging yakap ang unan. Sinusubukang maarok ang mga pangyayari. Naglalaro sa isip kung bakit siya ang pinili. “Ano ba ang meron siya na wala ako?“, bulong sa sarili. “Tinanggap naman niya ang mga puting rosas na binibigay ko para iparating sa kanya na siya’y aking minamahal… saan ba ‘ko nagkulang?“, dugtong sa […]

Milagros

“Makikisuyo nga po ng bayad”, batid ng dalagang kasasakay lamang ng pampaseherong dyip. Mahinahon ang pagkakasambit mula sa magandang boses nito at masasabing nasa bente hanggang bentesingko anyos ang edad nito dahil sa kanyang kutis na medyo maputi. Maliit ang mga mata at medyo makapal ang kilay nito. Mahahaba ang mga braso nito at gayon […]

Ernesto

Sa bayan ng San Jose, isang mag-anak ang tanyag na tinaguriang makapangyarihan sa nakararami — ang mga De Dios. Bukambibig ng mga matatanda na sila’y nanggaling sa mga kastilang nanakop ng bansa mahigit na tatlong daang taon na ang nakakalipas. Sila’y nagmamay-ari ng mga lupa na ‘sing tumbas ng isang lalawigan. Ang mga natatanging pangalang: […]

Aling Bebang

“pabile…” mahinahong bigkas ng binata. Alintana ang oras na patuloy na kinakain ng kadiliman. Tanging musika ang maririnig mula sa loob ng tindahan, “…na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay” — ito na rin ang bumabasag sa katahimikan ng kalye ng Maceda. “…kahit hindi na uso, ito lang ang alam ko”, “pabile […]

Maceda

Isang mahabang kalye na matatagpuan sa distrito ng Kamias. Mga bahay ay nagmistulang mga palamuti dahil sa mga iba’t ibang disenyo. Mga yari sa mga de kalidad na mga sementong tila’y galing sa mga lalawigang nag-aangkat sa mga karatig bansa. Matataas ang mga bakod na pawang may mga itinatago sa loob, at may mga kamerang […]

Nasaan ka?

Nakarinig ng isang putok mula sa kaibituran ng utak. Tanging balabal ng tunog ay ang isang tanong, “saan patungo ang lahat ng ‘to?” Inalisa ang sarili, lumingon sa likuran na tila’y isang anino ang naglalaro. Marahil namamalik mata lamang, nagpatuloy sa paglalakad. Hindi inisip ang makipot na daraanan, kada segundo’y ninanais bilisan ang yapak. Mga […]